Ating ipinagdiriwang ang Araw ng mga Bayani. Ating alalahanin ang mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaan na ating natatamasa sa kasalukuyan.

Bilang paggunita sa kanilang sakripisyo, patuloy tayong magkaisa na mahalin, paglingkuran, at bigyan ng dangal ang ating bansa. Huwag din nating kalimutan ang mga modern-day heroes tulad ng mga atleta, OFWs, at mga guro na patuloy na nagbibigay ng dangal, sakripisyo, at karangalan sa ating bayan.