Sama-samang sinimulan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang bagong linggo sa flag raising ceremony, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama ang Tourism Office bilang host, tampok rin ang makulay na performance ng Maguagi Performing Arts.

Sa bawat pagsisimula, mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa patuloy na maayos na serbisyo sa mga Naicqueño.