Sa pangunguna ng Office of the Mayor, matagumpay na isinagawa ang unang Flag Raising Ceremony ng buwan ng Disyembre sa Naic Municipal Hall. Pinangunahan ng CvSU-Naic Choir ang pag-awit ng Pambansang Awit at Himno ng Naic, na nagbigay ng masiglang simula sa linggo.
Mensahe ni Mayor
Naghatid din ng mensahe si Mayor Rommel Magbitang, kung saan nagpahayag siya ng pasasalamat sa lahat ng dumalo, at binigyang-diin ang mga programang tututok sa proteksyon, kaligtasan, at patuloy na paglago ng Bayan ng Naic ngayong Kapaskuhan. Hinihikayat niya ang bawat Naicqueño na magkaisa sa kabila ng mga hamon, upang sama-samang makamit ang mas progresibong taon para sa lahat.



