Isang makasaysayang simula para sa bagong yugto ng pamahalaang lokal ng Naic.

Ngayong unang Lunes ng linggo, pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang, kasama si Vice Mayor Jacinta Remulla at ang mga bagong halal na Konsehal, ang unang Flag Raising Ceremony ng kanilang administrasyon.

Sa ilalim ng temang "Naic, Posible," sinimulan natin ang linggo na may panibagong sigla, pagkakaisa, at panata sa tapat at makataong serbisyo para sa bawat Naiqueño.

Sama-sama nating haharapin ang mga hamon, sama-sama nating mararating ang mga pangarap.

Dahil sa Naic — POSIBLE!