Isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, sa Naic Municipal Grounds.

Naging host ng programa ngayong linggo ang mga kawani mula sa Mayor's Office, na nakiisa sa pagbibigay-diin sa pagkakaisa, disiplina, at patuloy na paglilingkod para sa mga Naicqueño.

Sa panibagong linggo, sama-sama nating ipagpatuloy ang tapat at maayos na paglilingkod para sa Bayan ng Naic.