Naganap ang Flag Raising Ceremony ngayong Lunes sa Naic Municipal Hall sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang kasama si Konsehal Rodrigo "Rod" Castillo, mga department heads, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Host ng linggong ito

Bilang host ng linggong ito, pinangunahan ng mga kawani mula sa Barangay Palangue Central ang programa na nagsilbing pagkakataon upang muling pagtibayin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan sa patuloy na paghahatid ng serbisyo para sa mga Naicqueño.