Flag Raising Ceremony: Gawad Husay sa Pagpa-plano

Pinangunahan ng Office of the Municipal Planning and Development Coordinator (OMPDC) ang flag raising ceremony na nagbigay-parangal sa Gawad Husay sa Pagpa-plano (2021–2025) bilang pagkilala sa mahalagang papel ng maayos na pagpaplano para sa Bayan ng Naic at mga Naicqueño.

Sa programa, nagpaabot ng pagbati at mensahe sina Konsehal Ryan Wakay Flores at Konsehal Raymond Senia, na kapwa nagbigay-diin sa patuloy na layunin ng lokal na pamahalaan na mapahusay ang serbisyo at mga programa para sa Bayan ng Naic.