Naganap ang Liga ng mga Barangay Monthly Meeting sa ABC Hall, Bayan ng Naic, nitong Martes, Marso 3, 2026, sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, kasama ang mga opisyal ng iba't ibang departamento at mga Punong Barangay ng Bayan ng Naic.

Layunin ng pagpupulong

Sa tulong ng pagpupulong, higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga barangay upang mas maayos na maihatid ang mga programa at serbisyo para sa bawat Naicqueño.