Orientation Seminar ng National Housing Authority
Naging makabuluhan ang orientation seminar ng National Housing Authority nitong October 23, 2025, sa Triple 8 Building, Barangay Sabang, Naic, Cavite.
Layunin ng aktibidad na maipalaganap ang impormasyon hinggil sa mga usaping may kinalaman sa estate management, finance, technical works, at community support services, upang mas mapalakas ang ugnayan at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.
Dumalo sa naturang orientation si Mr. Sotero Llamas, RSW, Community Support Services Officer mula sa NHA Cavite District, bilang isa sa mga tagapagsalita sa naturang programa.
Ang ganitong mga gawain ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Naic at ng National Housing Authority tungo sa mas maayos at maunlad na komunidad para sa bawat Naicqueño.



