Naganap ang flag raising ceremony sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang ngayong Lunes, Pebrero 9, 2026, sa Naic Municipal Hall, kasama ang gabay ng Barangay Bucana Sasahan.

Pagkilala sa mga nagwagi

Kasabay nito, kinilala ang mga nagwagi sa Division Festival of Talents, sa mga kategoryang:

  • Musabaqah Harp Touch Quran Reading at Arabic Imlah mula sa Villa Apolonia Elementary School.

Pagkilala sa mga kawani

Namahagi rin si Mayor Rommel Magbitang ng bulaklak at chocolates bilang pagkilala sa mga kawani ng bayan ng Naic ngayong Buwan ng mga Puso.

Sa huli, nagpasalamat si Mayor Rommel Magbitang sa walang sawang suporta at pagtutulungan ng bawat kawani ng Bayan ng Naic, na nagpapatibay sa tagumpay ng ganitong mga programa.