Isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa Naic Municipal Hall ngayong Lunes, Oktubre 12, 2026, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama si Vice Mayor Jacinta Remulla, mga Konsehal ng Bayan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Naic, at Bureau of Fire Protection (BFP) bilang host ng programa.

Tampok sa programa ang paglagda sa Pledge of Recommitment to Stable Internal Peace and Security (SIPS) ng Municipality of Naic, bilang pagpapatibay ng pangako para sa katahimikan at kaligtasan ng bawat Naicqueño.