Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga pamilyang Naicqueño sa paggunita ng All Souls' Day (Araw ng mga Kaluluwa) ngayong November 2, 2026, isang araw ng panalangin at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay.

Hinihikayat ang publiko na maging maingat sa pagpunta sa mga sementeryo at sundin ang mga paalala ng mga awtoridad para sa ligtas at maayos na paggunita sa Bayan ng Naic.