Nag-iikot ang mga kapulisan, Rural Health Unit (RHU), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at iba pang kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga sementeryo ng bayan ngayong Nobyembre 1, 2026, bilang bahagi ng Ligtas Undas 2026.

Layunin nilang matiyak na maayos, malinis, at ligtas ang paligid para sa mga Naicqueño, kasama ang pagkumpiska ng mga ipinagbabawal na gamit upang maiwasan ang anumang problema sa paggunita.