Pinasinayaan na ngayong araw, Hulyo 30, 2025, ang bagong Barangay Hall at Day Care Center ng Barangay Halang. Dumalo sa ribbon-cutting ceremony ang mga opisyal tulad ni Barangay Captain Cesar P. Masikat at ang ating Yorme, Rommel Magbitang.

Ayon kay Yorme Magbitang, malaking tulong ang bagong gusali para sa lumolobong populasyon ng Barangay Halang at upang mas maayos na makapagserbisyo ang mga kawani. Dagdag pa niya, malaking kaginhawaan din ang maayos na day care center para sa mga batang Naic, kung saan nahuhubog sila para sa kanilang magandang kinabukasan.