Isang makulay na araw para sa pagkakaisa at inklusibong pamamahala!
Naganap ang courtesy call ng LGBTQIA+ One Naic kasama si Mayor Rommel Magbitang upang talakayin ang mga adhikain para sa mas ligtas at mas inklusibong komunidad.
Tinalakay ang mga plano at programang nakatuon sa:
- SOGIE at HIV Awareness
- Libreng Medikal at Mental Health Assistance
- Skills Training at Livelihood Programs
- Pride at Outreach Activities
- Pagtataguyod ng Karapatang Pantao at Proteksyon laban sa Diskriminasyon
Lubos ang pasasalamat ng samahan kay Mayor Rommel sa kanyang pagbukas ng pinto at puso para sa lahat, anuman ang kasarian at seksuwal na identidad.
Sama-sama nating isulong ang paniniwalang:
“Walang maiiwan. Sa Naic, lahat posible!”



