Isang karangalan para sa Bayan ng Naic na mapasama sa mga kinilalang lokal na pamahalaan na nagtamo ng Ideal Functionality Rating, ayon sa inilabas na pagkilala ng DILG Region IV-A.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan ng Naic, katuwang ang iba't ibang sektor, sa pagsusulong ng maayos, epektibo, at mas responsableng paglilingkod para sa bawat Naicqueño.
