Personal na hinatid ni Mayor Rommel Magbitang ang mga libreng school supplies ngayong Huwebes (Mayo 28, 2026) sa Ciudad Nuevo Elementary School, Villa Apolonia Elementary School, at Munting Mapino Elementary School bilang suporta sa paghahanda ng ating mga mag-aaral para sa nalalapit na pasukan.

Patuloy na pinapahalagahan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic ang edukasyon at kapakanan ng bawat batang Naicqueño tungo sa mas handang pagbabalik-eskwela.