Sa pangunguna ni Mayor Rommel Anthony Magbitang, pormal na pinasinayaan ngayong araw ang makasaysayang Casa Hacienda de Naic.

Itinayo noong 1830, ito ang nag-iisang natitirang Casa Hacienda ng mga prayle sa Pilipinas at naging saksi sa Naic Assembly noong 1897 sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Muling binuhay bilang simbolo ng kasaysayan at dangal ng mga Naicqueño.

Mabuhay ang Naic!