Inaanyayahan natin ang ating mga kabataang Naicqueño sa ating Trick or Treat 2026 sa Naic Municipal Hall ngayong darating na October 29, 2026, mula 1:00 PM hanggang 5:00 PM.
Isuot na ang pinakanakakatakot na costume at ihanda ang lalagyan ng candy. Sama-sama nating gawing masaya at ligtas ang hapon para sa mga bata ng Bayan ng Naic!
