Capability and Leadership Training para sa Child Leaders at Representatives
Naganap ang Capability and Leadership Training for Child Leaders and Representatives nitong Nobyembre 13 hanggang 15, 2025 sa Tanza Oasis Hotel & Resort, Tanza, Cavite. Dinaluhan ito ng mga piling Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) child leaders mula sa iba't ibang Bayan ng Naic.
Layunin ng programa na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga kabataang Naicqueño sa child rights, participation, governance, at program development, upang maging mas epektibo silang kinatawan at tinig ng kabataan sa bayan ng Naic.



