Sa pangunguna ng General Services Office (GSO) bilang host ngayong linggo, matagumpay na naisagawa ang ating regular na Flag Raising Ceremony sa Bayan ng Naic.

Pagkilala sa mga nagwagi

Bahagi ng programa ang pagkilala sa mga nagwagi sa Provincial Meet at sa iba't ibang paaralan na nagdala ng karangalan sa iba't ibang patimpalak. Isang karangalan para sa ating bayan na masaksihan ang tagumpay ng mga kabataang Naicqueño na patuloy na nagpupunyagi at nagbibigay-inspirasyon sa Bayan ng Naic.

Suporta sa mga mag-aaral at guro

Patuloy ang suporta ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga programang nagtataguyod ng talento, disiplina, at kahusayan ng ating mga mag-aaral at guro. Sama-sama nating itaguyod ang isang masigla, mas progresibo, at mas makabagong Naic!