Pagkakadakip sa mga suspek

  • Nadakip ng Naic Municipal Police Station (MPS) ang dalawang suspek na pumaslang sa isang 36-anyos na vendor sa tapat ng DALI Store, Naic Public Market, noong March 27, 2026.
  • Sa tulong ng CCTV at mga saksi, agad natukoy ang dalawa.
  • Unang nadakip ang Kasabwat ng Gunman noong March 27, 2026 (Suspect 2 - Taong kulay kahel).
  • Ang Gunman (Suspect 1 - Lalaking naka suot ng kulay dilaw) ay nasakote sa follow-up operation noong gabi ng March 29, 2026.

Mga nakumpiska at motibo

  • Nakuha sa gunman ang baril na ginamit sa krimen at mga sachet ng ilegal na droga.
  • Lumalabas sa imbestigasyon na droga ang ugat ng alitan sa pagitan ng biktima at mga suspek.

Kaso

Saludo tayo sa ating Naic PNP sa mabilis na pagresolba sa kaso at sa komunidad sa kanilang mahalagang impormasyon. Ang mga suspek ay nasa kustodiya na at nahaharap sa kasong Murder, gayundin ang paglabag sa RA 10591 (Firearms) at RA 9165 (Drugs).