Nagkaroon noong Martes, Setyembre 29, 2026, ng School Safety Orientation sa Naic Elementary School, sa pangunguna ng Naic Municipal Police Station, bilang bahagi ng mga hakbang para mapalakas ang kamalayan at kahandaan ng school community sa usapin ng kaligtasan.
Mga tinalakay
Tinalakay ang mahahalagang paalala at hakbang para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at buong school community. Bahagi ito ng koordinasyon ng mga katuwang na tanggapan para sa isang ligtas at maayos na learning environment sa Bayan ng Naic.



