Executive Briefing 2025
Isang makabuluhang pagtitipon ang naganap nitong Miyerkules, Hulyo 16, 2025, sa Triple 8, Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Sa pakikipagtulungan ng mga Department Heads ng Municipality of Naic, DILG, at ating mga kapulisan, naglatag tayo ng mas pinatibay na direksyon tungo sa makabagong pamumuno.
Sa Executive Briefing na ito, tinalakay ang mga mahahalagang datos at mga plano na naglalayong maghatid ng mas epektibo at progresibong serbisyo publiko. Sama-sama nating isulong ang mas mabilis at mas makataong pamumuno para sa ikabubuti ng lahat!
Sama-sama nating isulong ang mas maayos, mas mabilis, at mas makataong pamumuno.



