Seminar para sa mga guro
Matagumpay na naisagawa ang tatlong-araw na seminar para sa mga guro, na pinangunahan ng ating Municipal Social Welfare and Development (MSWD) para sa programang Early Childhood Care and Development Laws and Issuances.
Isinagawa ang seminar mula Hulyo 14 hanggang Hulyo 16, 2025 sa Tanza Oasis Hotel & Resort at dinaluhan ng 41 guro mula sa 30 daycare centers sa Bayan ng Naic.
Bukod sa layuning paghubog sa kalidad ng edukasyon, layunin din ng seminar na mas tutukan ang kalusugan ng mga bata at magsagawa ng mga programang makakatulong sa kanila, gaya ng feeding program.
Pinuri ni Yorme Rommel Magbitang ang mga guro sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho. Nangako rin si Yorme na siya at ang Pamahalaang Bayan ay magiging katuwang sa patuloy na pagbibigay ng dekalidad na edukasyon at pagtataguyod ng maayos na kalusugan para sa mga Batang Naic.



