Maligayang Fiesta, mga Naicqueño!

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Immaculada Concepcion, patron ng ating bayan, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga programa at adbokasiyang naglalayong palakasin ang pananampalataya, pagkakaisa, at malasakit sa Bayan ng Naic.

Ang ating pagdiriwang ngayong December 8 ay isang paalala ng pag-asa at biyayang patuloy nating tinatanggap bilang isang bayan. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagtutulungan, kapayapaan, at pagkalinga sa bawat Naicqueño.