Naganap noong Lunes, Mayo 4, 2026, ang kauna-unahang Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Mayo sa Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang kasama si Vice Mayor Jacinta Remulla, mga kawani ng pamahalaang bayan, at sa pangunguna ng Barangay Mabulo.

Paggunita sa National Road Safety Month

Nakiisa sa programa si LTO Naic Chief Maricris Villegas bilang bahagi ng paggunita sa National Road Safety Month, na naglalayong paigtingin ang kamalayan ng bawat motorista at mamamayan sa kahalagahan ng disiplina at kaligtasan sa kalsada.

Mga Mutyang Naicqueña 2026

Sa nasabing pagtitipon, ipinakilala rin ang ating mga Mutyang Naicqueña 2026:

  • Katrina Paula Mateo, 2nd Runner-Up
  • Franzesse Bernardo, 1st Runner-Up
  • Janina Punongbayan, Mutyang Naicqueña 2026

Patuloy nating ipagdiwang ang mga tagumpay ng bawat Naicqueño at sama-sama nating isulong ang isang ligtas, maayos, at progresibong bayan ng Naic.