Naganap noong Mayo 4, 2026, ang Revenue Code Seminar sa Torres Farm, na naglalayong palalimin ang kaalaman at pag-unawa sa mga probisyon ng revenue code para sa mas maayos at epektibong pagpapatupad nito sa bayan ng Naic.
Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Naic na isulong ang mahusay, transparent, at episyenteng pamamahala para sa patuloy na paglago ng Bayan ng Naic.



