Naganap ang Flag Raising Ceremony ngayong Lunes, Marso 23, 2026, sa Bayan ng Naic sa pangunguna ni Municipal Administrator Rodolfo Uy III, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, kasama ang Barangay Humbac bilang host.

Sa pagsisimula ng linggo, muling ipinakita ang pagkakaisa at dedikasyon sa serbisyo publiko, kung saan sama-samang nagtipon ang mga kawani at kinatawan ng iba't ibang sektor upang patuloy na maglingkod para sa kapakanan ng bawat Naicqueño.