Ating sinimulan ang panibagong linggo sa Flag Raising Ceremony sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama si Vice Mayor Jacinta Remulla, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga lingkod bayan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic at mga kawani mula sa Barangay Timalan Balsahan bilang host ng programa ngayong Lunes, September 7, 2026, sa Naic Municipal Hall.

Plaque of Appreciation

Tampok rin ang paggawad ng Plaque of Appreciation kina Mayor Rommel Magbitang, Vice Mayor Jacinta Remulla, at sa Sangguniang Bayan bilang pagkilala ng Naic Municipal Police Station sa kanilang suporta at pakikipagtulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Bayan ng Naic.