Sa pangunguna ng PNP Naic, isinagawa nitong September 5, 2026 sa Covered Court, Brgy. Ibayo Estacion, Naic, Cavite ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kamalayan ng kabataan tungkol sa mga panganib ng droga at terorismo, at hikayatin silang maging mapanuri, responsable, at aktibong bahagi ng isang ligtas na komunidad.

Patuloy na sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga programang nagbibigay-kaalaman at nagpoprotekta sa ating kabataan.