Muling nagtipon ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang para sa Flag Raising Ceremony ngayong Lunes, Hunyo 15, 2026, sa Naic Municipal Hall.
Ang programa ay pinangunahan sa pakikipagtulungan ng Barangay Muzon bilang host. Binigyang pagkilala rin sa programa ang mga kawani at katuwang na ahensya na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng Road Safety Information and Education Campaign, bilang pagkilala sa kanilang ambag sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa kaligtasan at disiplina sa kalsada.
Patuloy na ipinapakita ng Bayan ng Naic ang pagkakaisa at pagtutulungan sa paghahatid ng makabuluhang serbisyo para sa bawat Naicqueño.



