Isang karangalan para sa Bayan ng Naic na makamit ang pagkilala bilang Good Financial Housekeeping Passer, patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan na panatilihin ang maayos, tapat, at responsableng pamamahala ng pondo ng bayan.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng mga kawani ng pamahalaan at ng suporta ng ating mga Naicqueño sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at mahusay na serbisyo publiko.
