Isinagawa ngayong Lunes, Hunyo 29, 2026, ang Flag Raising Ceremony sa Naic Municipal Hall sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Rommel Magbitang, kasama si Konsehal Ryan "Wakay" Flores, mga department heads, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic.
Bilang host ng programa, pinangunahan ng mga kawani mula sa Barangay Palangue 2 & 3 ang seremonya na nagsilbing pagkakataon upang muling pagtibayin ang pagkakaisa, disiplina, at pagtutulungan sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na serbisyo para sa mga Naicqueño.



