Naganap nitong Hunyo 27, 2026, sa Triple 8, Barangay Sabang, Naic ang Blood Donation Drive sa pangunguna ng Municipal Health Office (MHO), sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga programang nagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa Naicqueño. Ang bawat patak ng dugo ay maaaring maging pag-asa at makapagligtas ng buhay.