Naganap ang Flag Raising Ceremony ngayong Lunes, Hunyo 8, 2026, sa Naic Municipal Hall sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Rommel Magbitang kasama sina Konsehal Ryan "Konsitorney" Wakay-Flores, Konsehal Rodrigo "Rod" Castillo, Konsehal Raymond Senia, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic.

Ang linggong ito ay panimula ng serbisyo na may hangarin na patuloy na makapaghatid ng maayos at tapat na paglilingkod para sa bawat Naicqueño.