Naganap ngayong Hunyo 8, 2026 sa Triple 8 Hall, Barangay Sabang ang programang Recovery and Rehabilitation of Malnourished Children in Priority Areas in the Region ng Department of Health sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office (MHO) - Nutrition Program.
Nakiisa rin si Mayor Rommel Magbitang bilang Chairperson ng Municipal Nutrition Council, kasama ang mga miyembro ng Municipal Nutrition Committee, Barangay Nutrition Scholars, at Barangay Nutrition Committee sa patuloy na pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga batang Naicqueño.



