Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, isinagawa ngayong Lunes, Hulyo 27, 2026, ang Flag Raising Ceremony sa Naic Municipal Hall, kung saan nagsilbing host ng programa ang Barangay Santulan.
Nagtipon ang mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic bilang panibagong pagsisimula ng linggo ng paglilingkod. Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic sa pagkilos tungo sa mas maayos na serbisyo at mas progresibong Bayan ng Naic.



