Sa pangunguna ng Naic Municipal Police Station, isinagawa ngayong Lunes, Hulyo 27, 2026, ang 31st Police Community Relations (PCR) Month Celebration: Livelihood Program na Bread Making sa Triple 8, Brgy. Sabang, sa pakikipagtulungan ng TESDA Cavite.
Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang sa programa at nagbigay ng mensahe sa mga kalahok. Dinaluhan ito ng mga force multipliers mula sa Commando, Spartan, MMTF, ACGI, at Naic View Task Force, na nabigyan ng dagdag na kaalaman sa bread making bilang isang livelihood opportunity.



