Naganap noong Marso 9, 2026 ang Flag Raising Ceremony sa Naic Municipal Hall, na dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Naic.

Ang programa para sa linggong ito ay pinangunahan ng mga kawani ng Barangay Gomez-Zamora bilang host, kasama si Municipal Administrator Rodolfo Uy III sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang.

Patuloy na nagsisilbing pagkakataon ang programa upang pagtibayin ang pagkakaisa ng mga lingkod-bayan sa paghahatid ng tapat at maayos na serbisyo para sa bawat Naicqueño at sa patuloy na paglago ng Bayan ng Naic.