Naganap ngayong Lunes, Marso 9, 2026, ang pagdiriwang ng Women's Month sa Naic Town Plaza, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang kasama ang Local Council of Women's Chairperson, Dra. Rommelyn Magbitang at Vice Mayor Jacinta Remulla kung saan nagkaroon ng Zumba Dance Competition at iba't ibang performances na nagbigay saya at sigla sa mga dumalong Naicqueño.

Ang selebrasyong ito ay bahagi ng patuloy na pagkilala at pagbibigay-halaga ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa komunidad at sa patuloy na pag-angat ng Bayan ng Naic.