Ang ating Watawat ay may panatang kaakibat.
Isang mapagpalang Lunes, muli tayong nagtipon para sa ating Flag Raising Ceremony, isang paalala ng ating pagkakaisa, dangal, at pagmamahal sa bayan.
Kasama natin ang mga bumubuo ng Sangguniang Kabataan ng Bayan ng Naic, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, na sumisimbolo sa mahalagang papel ng kabataan sa pagpapatuloy ng pag-asa at pagbabago sa ating komunidad.



