Hindi lang basta tumutugon, handa, mabilis, at may kasanayan.

Pinahusayan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Naic at DOH CALABARZON ang emergency response skills ng ating Naic RHU sa Basic Life Support Course Training ngayong Huwebes, Agosto 14, 2025.

Sa gabay nina John Dave B. Delos Reyes at Mark Aeron L. Calantog, kasama ang ating Municipal Health Officer Dr. Carolina Matel, sumailalim ang mga healthcare workers sa refresher at certification program na may kasamang return demonstration.

Layunin nito na masiguro na kapag dumating ang oras ng pangangailangan, handa ang Naic na magligtas ng buhay.

Mga hashtag: