Naganap ang regular Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Naic ngayong Lunes, Marso 2, 2026, sa Naic Town Plaza kung saan nakiisa ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan sa patuloy na pagpapatibay ng serbisyo para sa bawat Naicqueño.
Mensahe ng Alkalde
Nagbahagi ng mensahe si Mayor Rommel Magbitang kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng Fire Prevention Month, kasama ang ating bagong Fire Senior Inspector na si Francisco D. Medina Jr., at tinalakay ang mga paalala para sa kaligtasan ng komunidad pati na rin ang pagpapalakas ng kakayahan ng bayan sa pagtugon sa mga emerhensiya.
Ibinahagi rin niya ang ilang mahahalagang update sa mga programa ng pamahalaan kabilang ang mga proyektong pang-imprastraktura, kalusugan, edukasyon, at ang pagpapatuloy ng Localized Social Pension para sa mga benepisyaryo sa Bayan ng Naic. Binanggit din ang patuloy na suporta ng bayan sa pagdiriwang ng National Women's Month kasama si Dra. Rommelyn Magbitang, Chairperson ng Local Council of Women.
Mensahe ng Bise Alkalde
Samantala, nagbigay rin ng pagbati at mensahe si Vice Mayor Jacinta Remulla, na nagpahayag ng suporta sa mga programang isinusulong ng pamahalaang bayan para sa kapakanan ng mga kababaihan.



