Nakikiisa ang Bayan ng Naic sa pagdiriwang ng National Women's Month ngayong Marso, bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga kababaihan sa paghubog ng mas matatag na Bayan ng Naic.
Ang mga kababaihang Naicqueño ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang sipag, talino, at malasakit sa pamilya at sa bayan. Sa bawat larangan, mula sa tahanan hanggang sa pamumuno, sila ay tunay na haligi ng ating lipunan.
Sa buwan na ito, ipinagdiriwang natin ang kanilang lakas, kakayahan, at ang patuloy na pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa karapatan ng kababaihan.
