Mahalagang gabay

Para sa kaligtasan ng bawat pamilyang Naicqueño, ipinapaalala ang pagsunod sa mga alituntunin ng Department of Energy (DOE) at sa direktiba ni Mayor Rommel Magbitang tungkol sa tamang paggamit ng fuel containers.

Ang simpleng pag-iingat ay makakatulong upang maiwasan ang sunog at pagsabog sa ating tahanan at komunidad.

  • Gamitin lamang: Approved fuel-grade plastic containers (HDPE Resin Code 2 at 7) o metal jerry cans na may mahigpit na takip at safety seal.
  • Iwasan ang: Bote ng softdrinks, galon ng tubig, o anumang improvised containers. Ang mga gasolinahang lalabag ay papatawan ng ₱10,000 na multa.
  • Paalala sa pagbili: Magdala ng Valid ID o katibayan (para sa mga magsasaka at mangingisda) kung bibili gamit ang portable container.

Para sa mas malalim na kaalaman at mga madalas itanong (FAQs) ukol sa monitoring at inspeksyon ng mga retail stations, maaaring i-access ang gabay sa link na ito:

https://drive.google.com/drive/folders/1jax9fz0rs__dZ_KBZ_gXMbBBk58pQaOm?usp=drive_link

Sama-sama nating panatilihing ligtas, mapagmatyag, at maayos ang ating mahal na Bayan ng Naic.