Isang makasaysayang araw para sa Bayan ng Naic. Ngayong Oktubre 14, 2026 isinagawa ang groundbreaking ceremony ng kauna-unahang Convention Center at Multi-Purpose Evacuation Center ng Bayan ng Naic sa Barangay Timalan Balsahan, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at Congresswoman Aniela Tolentino, kasama ang mga Konsehal ng Bayan.
Sa pagtatayo nito, magkakaroon na ang mga Naicqueño ng sariling lugar para sa mga programa at pagtitipon ng bayan, at matatag na kanlungan sa oras ng sakuna.
