Groundbreaking

Isinagawa ang groundbreaking ceremony ng Convention Center at Multi-Purpose Evacuation Center ngayong Miyerkules, Oktubre 14, 2026, sa Timalan Balsahan, Naic, Cavite, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang kasama si Congresswoman Aniela Tolentino at mga Konsehal ng Bayan.

Layunin ng Proyekto

Ito ang kauna-unahang Convention Center at Multi-Purpose Evacuation Center ng Bayan ng Naic, na magsisilbing pagdarausan ng mga aktibidad ng bayan at ligtas na evacuation center para sa mga Naicqueño sa panahon ng pangangailangan.