Maligayang fiesta, Barangay Labac!

Ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje ng Brgy. Labac ngayong April 26, 2026.

Nawa'y patuloy na magsilbing inspirasyon ang Mahal na Birhen sa pagpapatibay ng pananampalataya, pagkakaisa, at kapayapaan sa bawat pamilyang Naicqueño, tungo sa mas progresibo at matatag na bayan ng Naic.