Maligayang fiesta sa Barangay Mabolo!

Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes ng Mabulo, Naic, Cavite, ngayong Pebrero 11, 2026.

Nawa'y magdala ang okasyong ito ng pagkakaisa, pananampalataya, at patuloy na pag-asa sa bawat pamilyang Naicqueño.

Masayang kapistahan sa buong komunidad ng Mabulo. Patuloy tayong magtulungan para sa mas maayos at mas matatag na Bayan ng Naic.